Friday, October 16, 2009
Ang Alamat ng Tao??!!
Noong unang panahon, bago pa man malikha ang sanlibutan ay may dalawang ita na pagala gala sa kadiliman at sa kawalan..
Dahil sa sila ay walang makita, wala rin silang magawa at dahil wala silang magawa, di nila alam kung kelan titigil o kelan magsisimula.
Sa kadiliman ng di mawaring kawalan, may naulinigan silang mahiwagang boses…..LET THERE BE LIGHT!! Sa isang iglap, ay biglang lumiwanag ang paligid at sa wakas ay natuwa sila dahil nakita na nila ang isa’t-isa. Ikaw ba yung nagsalita? tanong ng isang ita. Hindi ako yun! sagot naman ng isa. Naisip nila, SINO KAYA YUN?
Muling naglakad ang dalawang ita at sa pagkakataong ito ay napagkasunduan nilang hanapin ang pinanggalingan ng mahiwagang boses. Napagkasunduan din nila na kaibiganin ito sa oras na ito ay makita nila. Mantakin mo nga naman, bumanat lang ng salita tapos bigla nang lumiwanag? Powerful! pet- maluuuuuu! palatak ng isang ita. Awesome dude! dugtong naman ng isa pa. Hinanap nila ito at sa di kalayuan ay may natanaw silang isang lalake na nakahubad at malungkot… Nilapitan nila ito at inusisa, hmm…. macho huh? Pinitik ng isang ita ang nakalawit, Ah! Deym! hiyaw ng lalake. Aha? ADAM daw? sabi ng isang ita! Simula ngayon, ADAM ang itawag natin sa kanya! mungkahi ng isa pang ita. At dun nagsimula ang pangalan ni ADAM..
Nagpatuloy sila sa paglakbay at araw araw ay naririnig nila ang mahiwagang boses na parang may inoorder at sa isang iglap, nadadagdagan ang kanilang tanawin. Lalong nagkainteres ang dalawang ita na makilala ito. Nang matanaw nila ang isang kahugis ni ADAM ay agad nilang sinundo ito at matapos maibalita kay ADAM ang kanilang nakita ay magkasabay nila itong pinuntahan.
Nang matagpuan ang kinaroroonan ng bagong nilalang ay sabik na nilapitan naman ito ni ADAM habang ang dalawang ita ay nag-iisip kung ano ang ipapangalan dito. Nang makalapit si ADAM ay nagitla siya nang kanyang mapagmasdan ang kabuuan nito at napabulalas, “AY, EBA?!. Nagbunyi ang dalawang ita at mula noon ay pinangalanan nilang EBA ang bagong nilalang.
Bitin ba? Yan lang ang nakayanan ng isipan ko sa ngayon…