Sunday, November 1, 2009


ALVIN FLORES GROUP, byers!

Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao ang umiikot na balita ngayon, ang pagkakapatay kay Alvin Flores na lider ng isang pinakanotorious na grupo sa buong Pilipinas ngayon at ng tatlo pa niyang mga kasamahan sa isang mahigit labinlimang minutong enkwentro sa Compostela, Cebu laban sa mga kawani ng NBI. Nahuli rin ng buhay ang isa nilang miyembro na si Rene Batiancila.

Subalit sa kabila ng pagtupad sa tungkulin ng mga NBI, marami pa rin ang naghihimutok, lalo na ang mga taga media , kung bakit daw hindi sila binigyan ng pagkakataon na makapasok sa crime scene sa loob ng mahigit limang oras. Nandito ang isang kaputol na bahagi ng isang isyu sa sunstar na isinulat ni Jovy T. Gerodias at ni Karlon N. Rama:

“The media’s criticism of the operation included how reporters were not allowed to enter the crime scene and speculated that the agents may have sanitized it.”

“The NBI team that conducted the operation brought their own forensic team in, instead of calling the Philippine National Police Scene of the Crime Operations (Soco).”

Sa puntong ito ay tinanong ko ang aking kakilala na kasama mismo sa naturang operasyon at ito ang kanyang mga sinabi:

Sinabi niya sa akin na kaya hindi nila pinayagan na makapasok ang media dahil sa gusto nilang ipreserve ang crime scene habang ito ay pinoproseso o idinudukomento. Alam nila na ang ilan sa ating mga taga-media ay walang respeto sa proseso ng ating mga alagad ng batas, basta makakuha sila ng footage or magandang anggulo ay gagawin nila yun na walang pasintabi sa mga ebidensyang nakakalat sa crime scene at ‘yun ang iniiwasan nilang mangyari.

Hindi rin nila ninais na maging circus ang naturang insidente. Kahit pa mga pusakal na kriminal ang napatay sa naturang engkwentro, iginagalang pa rin ng mga NBI ang pagkatao ng mga ito at ang dignidad ng kanilang mga kaanak sakaling makita ang mga ito sa telebisyon o sa mga pahayagan.

Tinanong ko rin siya kung bakit tumagal ng limang oras bago nila inilabas ang mga bangkay ng nasawi. Sagot naman niya:

Totoo daw na umabot ng ganun katagal at sila rin ay naghintay sa pagdating ng mga tagapunerarya dahilan sa ang mga naunang dumating na punerarya ay walang maayos na pasilidad o kagamitan upanng madala ang mga bangkay na hindi naeexpose ang kanilang mga mukha sa media.

Isa pa sa pinipunto nila ay sa mismong bibig na daw ng mga taga NBI nanggaling na puro high caliber ang nakumpiska nilang armas sa grupo pero bakit daw walang sugatan o casualties sa mga NBI agents.

Sagot naman ng isang ahente sa kanila:

“Does someone from our team have to die to make the media believe that the operation was legitimate and that our use of lethal force was justified?”

Another agent said there were over a dozen elements of the Reaction, Arrest and Interdiction Division (Raid), a team from the NBI headquarters, as against five robbers.

This team, he explained, receives specialized training and is fielded to respond to terrorist threats or run after dangerous targets. Everyone in the team wears bullet-proof vests and carries highly-maneuverable M16 carbines.

The team was also backed up by almost the entire compliment of agents and special investigators from the NBI Central Visayas office. Agents also pointed out that the robbers were unprepared for the encounter and acted hastily by getting into the duplex and then coming out armed and shooting, while trying to get away from a boxed-in position.

“You must also remember that we captured one alive. He tried to run away but he was captured. If the intent is to shoot them all in cold blood, why leave a witness who can talk?”

Ito pa ulit yung isang hirit nila:

Protecting the crime scene can be a legitimate reason for leaving reporters out in the cold for hours after the “encounter” but it can also be interpreted in other ways.

Did the NBI agents “sanitize” the area first before allowing the media in?

Ito pa ulit ang isa galling naman sa YEHEY.com/PHILSTAR :

NBI operatives from Manila may or may not have neutralized the gang believed responsible for the daring robbery at Greenbelt 5 in Makati last week in a raid on a house in Compostela the other night. And that is because we only have their word for it.

The NBI raid left more questions than answers. And it was not the kind of operation a decent and civilized people would expect from one of the country's premier investigation and law enforcement agencies.

You conduct an operation with your faces all covered in ski masks or bonnets? The reason law enforcers wear vests emblazoned with giant letters of the agency they belong to is precisely to identify them, not to hide their identities. Accountability is a big part of law enforcement.

Siguro ito masasagot ko bilang isang ordinaryong mamayan, halos lahat ng mga mukha ng sangkot sa mga krimen o panloloob sa mga mall, bangko at sa pinakahuli ay Greenbelt 5 o Rolex Store ay nakuhanan ng mga picture sa CCTV (Closed Circuit Television) ng mga naturang establisyemento. Kung talagang duda kayo sa kanilang katauhan, e di pumunta kayo sa mga nabiktima nila at tingnan niyo kung kamukha nga nila o hindi ang mga namatay. Mas madali yun kesa magdunong dunungan kayo at maghusga agad, di po ba?

Their faces all covered in ski masks or bonnets? Again, this is another media ego for me. But then again, tinanong ko pa rin siya at ito ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya:

Marapat nating isipin na kaya nahuli itong mga kriminal na ito ay dahil sa hindi nila nalaman na sila ay nasusundan na. Sa madaling sabi, hindi nila kilala ang mga sumusunod sa kanila. Isipin na lang po natin kung halimbawang ang mga mukha ng mga ahenteng ito ay exposed na sa media, sa palagay niyo po ba magtatagumpay sila sa pagsunod sa mga pusakal na kriminal na ito? Hangga’t ang mga mukha ng NBI na ito ay hindi naeexpose sa publiko, mas epektibo nilang magagampanan ang kanilang mga tungkulin. Undercover work, ika nga nila.

Sa kabilang banda, nang isinagawa diumano nila ang kanilang operasyon ay hindi pa sila nakabonnet. Nang dumating na ang mga media at nagsimula nang lumiwanag ang paligid sa ilaw na nagmumula sa kanilang mga camera ay dun na nagtakip ng mukha ang mga operatiba. Kung gusto niyo daw makumpirma ito ay pwede niyong kausapin ang tindahan ng damit na malapit sa naturang lugar dahil dun nila binili ang mga ipantatakip nila sa kanilang mga mukha nung dumating na ang mga media. Samakatuwid, nagtakip lamang sila ng kanilang mga mukha matapos na ang operasyon at dahil alam nila kung gaano kairesponsable ang ilang mga media na walang pasintabing kumukuha ng kanilang mga footage.

Kaya masama ang loob ng mga tagamedia ay dahil sa hindi sila napagbigyan sa kanilang kagustuhan na makakuha ng magandang anggulo, naiintindihan po natin yun. Pero sana, isipin din natin na tayong lahat ay nakakatulog na mahimbing sa gabi ay dahil sa mga taong ito na sa halip na nasa kanikanilang pamilya ay nasa kalsada at patuloy na sumusubaybay sa mga kriminal upang mapangalagaan ang sambayanan. Sila na may mataas na pinag aralan na kung minsan ay nagpapanggap na magbabasura o tagatinda ng kung anuano para lang matupad ang kanilang tungkulin. Tayo pa po ba na kanilang pinoprotektahan ang mage expose sa kanila para sila ay mapahamak habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin?

Ayokong maging one sided pero sana naman wag nating kalimutan na ang mga grupo na napatay ay hindi lang sa sa ROLEX sa Greenbelt suspects, sila din ang may kinalaman sa iba pang malakihang nakawan at patayan isa na din dito ay ang madugong nakawan sa RCBC sa di mabilang na bangko na kanilang pinasok at sa iba pang establisimento, ang Paranaque shootout na maraming namatay kasama na ang isang bata at iba pa. Isama na rin natin ang madaming buhay na binuwis ng ilang alagad ng batas, na hindi ko malaman kung bakit pag sa hanay ng alagad ng batas may nagbuwis ng buhay dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin ay hindi man lang binibigyan ng parangal ng media.

Iniisip ko tuloy mas hinahangaan ba natin at sinusubaybayan ang karapatan ng mga gumagawa ng kasamaan? Ang swerte naman nila kung ganun, di po ba?

Sadya bang wala tayong pakiealam sa mga taong handang magbuwis ng buhay nila mahuli lang ang mga taong ito na nagpapagulo sa bansa natin?

B akit sa halip na sila ay pasalamatan at parangalan natin ay parang sila pa ang lumalabas na masama ngayon?

I have nothing against media personality, pero sana naman maging patas tayo sa paguulat ng mga bagay bagay. Huwag nating lagyan ng kulay ang bawat insidente lalo na at kaligtasan ng mas nakararami ang sangkot.

Imbis na maglabas tayo ng hindi magagandang espekulasyon, bakit hindi na lang tayo maging masaya para sa nagawa ng iba?

Sa mga NBI, kudos sa inyong lahat.

mrsbads

No comments:

Post a Comment